Wednesday, November 01, 2006

Something people call "memes"

I've always enjoyed these things...

  1. Bakit ka nahuhuli sa pila bago mag-flag ceremony? Nasa tapat lang ng bahay namin ang school. Akala ko ako si Darna na makakayang magbihis, lumabas ng bahay, tumawid ng highway...all in 2 minutes.
  2. Anong favorite mong bilhin sa canteen? RC Cola at Humpy Dumpy orange
  3. Na-guidance/principal's/csde office ka ba? No. Mabait ako...dati.
  4. Sinong favorite teacher mo doon? Si Sir Ernie Alcantara
  5. Sinong HATEST teacher mo doon? Marami...Reynante, Gregorio
  6. Saan ka usually tumatambay? Why? Sa walkway. Madali maghintay dun ng crush. At saka sa storeroom sa likod ng room namin nung third year kami.
  7. What's your most unforgettable experience sa high school mo? First time kong magkaroon ng manliligaw.
  8. Varsity? If you will count the cheerleading squad and the dance troupe as varsity.
  9. Sinong una mo'ng nakilala sa high school mo? Si Ruby.
  10. Sinong mga kabarkada mo nung nag-graduate ka? Si Kenting at si Wheng
  11. Nami-miss mo na ba 'yung uniform mo? Oo kasi pinalitan nila ng hindi maganda
  12. Ilang beses mo'ng nawala ang ID mo? Never!
  13. Favorite teacher's quotable quote? "Oo sandali, kukunin ko lang ang ating banner..." (It's more effective spoken than written)
  14. Most unforgettable person? Why? Si Derick. Syet. Perslab eh.
  15. Kailan sa tingin mo darating ang yearbook? Dumating na.
  16. I-describe mo ang mukha mo sa grad pic. Bwek!
  17. Anong binibili mo sa labas tuwing uwian? Songhits! Baliw na baliw ako nun sa New Kids On The Block
  18. Nakakita ka na ba ng multo sa school? Hindi. Third eye blind.
  19. Nangarag ka ba sa updating/paghahabol sa graduation? No.
  20. Ano'ng unang-una mo'ng ginawa right after graduation? Kumain sa KFC.
  21. Anong contests ang sinalihan/napanalunan mo? Sa Spelling Bee...saka sa Extemporaneous Speech
  22. Kumusta naman ang Intrams? Nakakatakot para sa akin kasi nakikipaglaro ako niyan kay Kamatayan dahil hinahagis kami sa ere para sa mga stunts.
  23. Favorite janitor/janitress? Di ko alam.
  24. Kung papalitan ang color ng uniform mo, anong kulay? Bakit? Pinalitan na nga nila, eh.
  25. Nasa Friendster mo ba 'yung crush mo nung high school? Eh yung kaaway mo to the nth level? Ay, oo.
  26. Did you ever regret going to your high school? No.
  27. Sino sa mga ka-batch mo ang dapat napasali sa Starstruck? Si Minerva siguro.
  28. Saan ka nag-aaral ngayon? Course? USEP. MS DevCom Management. Graduate school, 'tol!
  29. Sino ang favorite love team mo sa high school? Ako saka yung crush ko.
  30. Anu-ano ang section mo? From 1st to 4th year: Ilang-Ilang, Pearl, Narra, Rizal

No comments: